Free download of the The Holy Quran Translation or Version in Philippine Language (Tagalog) by Abdul Rakman Bruce
300 Via Del Duomo
Henderson, NV
ph: (909) 666-5298
rhbruce
EXCERPTS TO PONDER!!!!
Sura II Ang Baka
136. Sabihin (O mga Muslim): Kami ay naniniwala kay Allah at diyan sa isiniwalat sa amin at diyan sa isiniwalat kay Abraham, at kay Ismael, at kay Isaak, at kay Hakob, at sa mga lipi, at diyan sa tinanggap ni Moses at ni Hesus, at diyan sa tinanggap ng mga Propeta sa kanilang Panginoon. Hindi kami gumawa ng kaibahan sa pagitan ng alinman sa kanila, at sa Kanya kami ay sumuko.
140. O sinabi ba ninyong si Abraham, at si Ismael, at si Isaak, at si Hakob at ang mga lipi ay mga Hudyo o mga Kristiyano? Sabihin: Kayo ba ay pinakanakaaalam, o si Allah? At sino ang higit na hindi makatarungan kaysa kanyang nagtago ng isang patunay na kanyang tinanggap galing kay Allah? Si Allah ay walang hindi pagkabatid ng anong inyong ginagawa.
163. Ang inyong Maykapal ay Isang Maykapal; walang Maykapal maliban sa Kanya, ang Mapagbigay, ang Maawain.
173. Siya ay nagbawal sa inyo lamang ng naaagnas na laman, at dugo, at laman ng baboy, at iyang inihain sa (pangalan ng) iba maliban kay Allah. Subali’t siyang itinulak ng pangangailangan, hindi ng pagkaibig o pagsuway, hindi ito kasalanan para sa kanya. O! si Allah ay Mapagpatawad, Maawain.
190. Lumaban sa landas ni Allah laban sa mga yaong lumalaban sa inyo, nguni't huwag magsimula ng pagkakainitan. O! si Allah ay hindi nagmamahal sa mga nakikipag-away.
256. Walang pilitan sa pagsamba. Ang wastong patutunguhan simula ngayon ay kaiba sa mali. At siyang nagtakwil sa maling mga sinasamba at naniniwala kay Allah ay humawak ng isang mahigpit na paghawak na hindi mababali. Si Allah ay Tagarinig, Tagaalam.
Sura III Ang Mag-anak ni Imran
62. O! talagang ito ay ang tunay na pagsasalaysay. Walang Maykapal maliban kay Allah, at O! si Allah ay ang Makapangyarihan, ang Paham.
67. Si Abraham ay hindi isang Hudyo, at hindi rin isang Kristiyano; nguni't siya ay isang matuwid na lalaking sumuko (kay Allah), at siya ay hindi sa mga sumasamba sa huwad.
151. Kami ay maghahasik ng takot sa mga puso ng mga yaong hindi naniniwala dahil sa sila ay humirang kay Allah ng mga katambal, para doon ay walang panagutang isiniwalat. Ang kanilang pamamalagian ay ang Apoy, at masaklap ang pinamamalagian ng mga gumagawa ng mali.
Sura IV Ang Mga Kababaihan
3. At kung kayo ay takot na kayo ay hindi makapagbagayan ng makatarungan sa mga ulila, mag-asawa sa mga kababaihan, na sa akala ay mabuti sa inyo, dalawa o tatlo o apat; at kung takot kayong hindi kayo makapagbigay ng katarungan (sa gayong karami), sa gayon isa (lamang) o (ang mga bihag na) pag-aari ng inyong mga kanang kamay. Kaya higit na malamang na kayo ay hindi gagawa ng hindi makatarungan.
87. Si Allah! Walang Maykapal maliban sa Kanya. Siya ay titipon sa inyong lahat sa isang Araw ng Pagkabuhay na doon ay walang pag-aalinlangan. Sino ang higit na tama sa pahayag kaysa kay Allah?
171. O Mga Tao ng Kasulatan! Huwag magpalalo sa inyong pagsamba o mag-usal ng anuman tungkol kay Allah maliban sa katotohanan. Ang Mesia, si Hesus na anak na lalaki ni Maria, ay isa lamang mensahero ni Allah, at ang Kanyang salitang Kanyang inihatid kay Maria, at isang diwa galing sa Kanya. Kaya maniwala kay Allah at sa Kanyang mga mensahero, at huwag sabihing "Tatlo" – Itigil! (ito ay) higit na mabuti para sa inyo! Si Allah lamang ay Isang Maykapal. Malayo itong inalis galing sa Kanyang nakahiwalay na kapangyarihang Siya ay magkakaroon ng isang anak na lalaki. Kanya ang lahat na nasa mga langit at lahat na nasa lupa. At si Allah ay sapat bilang Tagapagtanggol.
Sura V Ang Mantel
32. Para sa kadahilanang iyan Aming ipinag-utos para sa Mga Anak ni Israel na sinumang pumatay ng isang tao maliban sa pagpaslang ng taong walang pag-iimbot o kasamaan sa lupa, ito ay magiging tulad sa siya ay pumatay sa lahat ng sangkatauhan, at sinumang magligtas ng buhay ng isa, ito ay magiging tulad sa siya ay nagligtas ng buhay ng lahat ng sangkatauhan. Ang Aming mga mensahero ay dumating sa kanila sa katandaang may maliwanag na mga katibayan (ng Nasasakupan ni Allah), nguni't pagkatapos, O! marami sa kanila ay naging mga lagalag sa lupa.
45. At Aming ipinag-utos para sa kanila sa loob noon: Ang buhay para sa buhay, at ang mata para sa mata, at ang ilong para sa ilong, at ang tenga para sa tenga, at ang ngipin para sa ngipin, at para sa mga sugat ay pagbawi. Nguni't sinumang lumimot nito (sa landas ng kawanggawa) ito ay magiging kabayaran para sa kanya. Sinumang humukom na hindi sa pamamagitan niyang isiniwalat ni Allah: ang ganyan ay mga gumagawa ng mali.
72. Sila talaga ay hindi naniniwalang nagsabi: O! si Allah ay ang Mesia, anak na lalaki ni Maria. Ang Mesia (kanyang sarili) ay nagsabi: O Mga Anak ni Israel! Sambahin si Allah, ang aking Panginoon at inyong Panginoon. O! sinumang maghambing ng mga katambal kay Allah, para sa kanya ay ipinagbawal ni Allah ang Paraiso. Ang kanyang pamamalagian ay ang Apoy. Para sa mga gumagawa ng masama ay walang magiging mga katulong.
82. Ikaw ay makatatagpong ang pinakamapusok sa sangkatauhan sa galit sa mga yaong naniniwala (ay) ang mga Hudyo at ang mga sumasamba sa huwad. At ikaw ay makatatagpong ang pinakamalapit sa kanila sa pagmamahal sa mga yaong naniniwala ay ang mga yaong nagsabi: O! kami ay mga Kristiyano. Iyan ay sapagka't mayroon sa kanilang mga pari at mga monghe, at sapagka't sila ay hindi mayabang.
Sura LXI Ang Mga Katungkulan
6. At nang si Hesus na anak na lalaki ni Maria ay nagsabi: O Mga Anak ni Israel! O! ako ay ang mensahero ni Allah sa inyo, nagpapatunay niyang (isiniwalat) bago sa akin sa Tora, at nagdadala ng mabuting mga pambungad ng isang mensaherong dumarating matapos sa akin, na ang pangalan ay ang Isang Pinapurihan. Subali't nang siya ay dumating sa kanilang may maliwanag na mga katibayan, sila ay nagsabi: Ito ay salamangka lamang.
Surah CXII Ang Pag-iisa
1. Sabihin: Siya ay si Allah, ang Isa!
2. Si Allah, ang walang hanggang Pinaghahanap sa lahat!
3. Siya ay hindi naging ama o naging anak.
4. At walang katulad sa Kanya.
SURA I
ANG PASIMULA
(Isiniwalat sa Meka)
Sa pangalan ni Allah, ang Mapagbigay, ang Maawain.
1. Ang papuri ay maging kay Allah, Panginoon ng mga Daigdig.
2. Ang Mapagbigay, ang Maawain.
3. May-ari ng Araw ng Paghuhukom.
4. lkaw (lamang) ang aming sinasamba; lkaw (lamang) ang hinihingan namin ng tulong.
5. lpakita sa amin ang tuwid na landas;
6. Ang landas ng mga yaong Iyong tinangkilik;
7. Hindi (ang landas) ng mga yaong kumita ng Iyong galit o ng mga yaong pumunta sa pagkaligaw.
Copyright 2010 Philippine Quran. All rights reserved. Translation download and printing allowed.
300 Via Del Duomo
Henderson, NV
ph: (909) 666-5298
rhbruce